MANILA, Philippines – Hindi kakagatin ng mga mahihilig sa boxing ang planong pagtutuos nina Manny Pacquiao at Sugar Shane Mosley.
Si Mosley ang siyang sinasabing may malaking tsansa na makaharap si Pacquiao sa kanyang unang laban sa taong 2011.
Pero para sa nirerespetong trainer na si Emmanuel Steward, mas tatauhin ang laban nina Pacquiao at Marquez kaysa sa Pacquiao at Mosley.
“I just don’t think the public is going to buy Manny against Shane Mosley right now, not after they saw Shane against Floyd Mayweather and then (Sergio) Mora,” wika ni Steward sa panayam ng Boxing Examiner.
“Manny and Marquez is a big fight now, right now. I believe both Pacquiao and Marquez are their plateaus, at their fighting best, now which should make for a great third fight?” pagtatanung pa ni Steward na dating hinawakan ang careers ng mga kilalang boxers na sina Tommy Hearns, Oscar De La Hoya, Evander Holyfield and Julio Cesar Chavez.
Pero idinadag pa ng beteranong trainer na dapat lamang sipatin si Marquez kung hindi na talaga maisasara ang mega-fight sa pagitan ni Pacquiao at ang problemado ngayong si Mayweather.
“Marquez and Manny both have something to prove, something they can only prove against each other,” wika pa ni Steward.
Kasalukuyang sinisipat pang mabuti ni Bob Arum ng Top Rank ang kanyang listahan matapos ang kawalan ng komunikasyon sa panig ni Mayweather.
Si Mosley ang prayoridad nito dahil walang magiging problema sa negosasyon lalo nga’t walang umaaktong manager sa beteranong boksingero.
Si Pacquiao naman ay naghayag ng kahandaan na harapin kahit na sinong boksingero ang ilaban sa kanya ni Arum pero may pagdududa siyang dapat si Marquez ang isunod dahil sa pangambang hindi ito hahakot sa takilya.