National Inter-Cities chessfest sa Dagupan

MANILA, Philippines – Inaasahang makikipagpigaan ng utak ang mga ma­titikas na manlalaro ng bansa sa 2010 National Inter-Cities and Municipalities rapid team championship na na­katakda sa Disyembre 8 sa People’s Astrodome sa Da­gupan City.

Inilunsad ng National Chess Federa­tion of the Phi­lippines (NCFP) sa kooperasyon ng Dagupan City go­vernment, nakalaan sa dalawang araw na kompe­tisyon ang tropeo at cash prizes para sa mananalong manlalaro at koponan.

Inimbitahan sina NCFP president/chairman Prospero “Butch” Pichay at NCFP secretary-general and Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” Tolentino na personal na dumalo sa opening ceremony ng naturang annual team tournament.

Si Pichay rin ang inaasahang magsasagawa ng ce­re­monial moves kasama sina Dagupan City  Mayor Benjamin S. Lim at city administrator Vladimir Mata.

Ang mga kalahok na koponan ay kailangang may ave­rage rating na 2050 kada team at isang manlalaro lamang ang titulado (GM, IM, FM at NM) ang papayagan kada koponan makalaro. 

Show comments