^

PSN Palaro

MVP dismayado sa kampanya ng Smart Gilas sa 2010 Guangzhou Asiad

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines – Hindi na naitago kaha­pon ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Manny V. Pangilinan ang kanyang pagkadisma­ya sa naging kampanya ng Smart Gilas sa nakaraang 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Sinabi kahapon ni Pa­ngi­linan na magtatakda siya ng isang pulong sa hanay ng coaching staff ng Smart Gilas sa pamumuno ni Ser­bian head coach Rajko To­roman.

“Medyo minalas tayo doon. Hindi naipasok si (Mar­cus) Douhit, nagkaroon ng pinsala si Japeth (Aguilar), si (Sol) Mercado,” ani Pangilinan, chairman na­man ng Amateur Boxing Associartion of the Philippines (ABAP). “Pero what we’ll do just like in the case of ABAP, is to convene and meeting with coach Rajko, his staff and other mem­bers of the basketball community.”

Bagamat nagkaroon na ng basbas ang 6-foot-11 na si Douhit mula sa Se­nado at Kongreso para maging isang Filipino citizen, hindi naman ito nilag­daan ni Pangulong Benigno “Noynoy’ Aquino III sa Malacañang.

Sina Mercado, Asi Tau­lava at Kelly Williams ang tatlong professional ca­gers na hiniram ng SBP sa Philippine Basketball As­sociation (PBA).

Tumapos ang Nationals bilang sixth-placer sa 2010 Guangzhou Asiad matapos matalo sa Qatar, 71-81, sa classification. Muling pi­nagharian ng China ang nasabing quadrennial meet laban sa South Korea.

Nahulog rin sa No. 6 ang mga Pinoy noong 19­66 Asian Games.

Hangad ng Smart Gilas na makalaro sa 2012 Olympic Games sa London sa pamamagitan ng pa­nalo sa 2011 FIBA-Asia Championships, ang qualifying event para sa 2012 Ga­mes.

“We will sit down and examine kung anong pagkakamali natin,” dagdag ng telecommunications mogul sa kanyang gagawin.

Ang mga Pinoy ang nag­domina sa unang apat na edisyon ng Asiad noong 1951, 1954, 1958 at 1962 at tanging Asian country na nanalo ng medalya (bronze medal) sa 1954 World Basketball Championship.

Ang tropa ni Sen. Ro­bert Jaworski, Sr. noong 19­90 Beijing Asiad ang nag-uwi ng silver medal ma­karaang mabigo sa nag­haring China.

vuukle comment

AMATEUR BOXING ASSOCIARTION OF THE PHILIPPINES

ASI TAU

ASIA CHAMPIONSHIPS

ASIAN GAMES

BEIJING ASIAD

DOUHIT

GUANGZHOU ASIAD

KELLY WILLIAMS

SHY

SMART GILAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with