^

PSN Palaro

Bulls vs Sharks sa BP Series VII finals

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi na nagpatum­pik-tumpik pa ang nag­de­depen­sang kampeon na Manila Sharks at Batangas Bulls nang talunin ang mga nakalaban sa semifinals ng Dunkin’ Donuts Baseball Philippines Series VII kahapon sa Felino Marcelino Memorial Field sa Taguig City.

Nagbaga ang opensa ng Sharks na suportado ng Harbour Centre, mula sa bottom third habang kinai­langan ng Bulls ang husay ni pitcher Romeo Jasmin sa huling inning para masel­yuhan ang pagkikita ng dalawa sa Finals na sisimulan sa Disyembre 11.

Ang sacrifice fly ni Jarus Inobio para makaiskor si Junifer Pinero ang tuluyang nagbigay ng kalamangan sa Sharks, 4-3, habang nakitaan din ng init ng pagpukol si Jon Jon Robles para tuluyang pagpahinga­hin ang dating two time cha­mpion na Dolphins sa bisa ng 13-5 panalo.

Bago ito ay kumubra muna ang Bulls ng 7-6 tagumpay sa Alabang Tigers at malaki ang papel ni Jasmin na ikatlong pitcher na ginamit ng koponan.

Matapos makita ang 7-2 kalamangan ay na­ging 7-6, nang magbigay ito ng apat na runs sa tatlong hits, bumawi si Jasmin ng kan­yang hiritan ng magka­sunod na strikeouts sina Marco Martinez at Matt Laurel upang matapos ang laban.

Pakay ng Bulls ang ikatlong titulo matapos do­minahin ang Series III at V laban sa Sharks ligang inorganisa ng Community Sports Inc.

vuukle comment

ALABANG TIGERS

BATANGAS BULLS

COMMUNITY SPORTS INC

DONUTS BASEBALL PHILIPPINES SERIES

FELINO MARCELINO MEMORIAL FIELD

HARBOUR CENTRE

JARUS INOBIO

JON JON ROBLES

JUNIFER PINERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with