Si 'Mighty Mouse' ang PBA PoW

MANILA, Philippines - Kumolekta si point guard Jimmy Alapag ng 33 points at 10 assists para tulungan ang Talk ‘N Text sa 106-102 paggupo sa Barako Bull sa elimination round ng 2010-201 PBA Philippine Cup noong Biyer­nes.

Nagbida ang 5-foot-9 na si Alapag para isalba ang kampanya ng Tropang Texters.

Dahilan rito, napili si Ala­pag bilang Accel-PBA Press Corps’ Player of the Week.

“Binuhat n’ya ‘yung team nu’ng nag-i-struggle kami. He always stays po­sitive despite our struggles during games. It only shows how good a leader he is and how valuable he is to this team,” ani assistant coach Nash Racela, gumiya sa Talk ‘N Text sa kanilang huling dalawang laro matapos tumulong si head coach Chot Reyes sa kampanya ng RP Team sa nakaraang 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Ang playmaker na tina­wag na “Mighty Mouse” ay nagtala lamang ng mga averages na 14.9 points at 5.1 assists bago ang kanyang pamamayani laban sa Energy Boosters.

Kumpiyansa ang 32-anyos na 2003 PBA Rookie of the Year na makukuha ng Tropang Texters ang inaasam na top two berth matapos ang 14-game eliminations at mapasakamay ang ‘twice-to-beat’ advantage sa quar­terfinals.

Sa pagpasok ng playoffs, inaasahan ring makakalaro na si 6’6 Ranidel de Ocampo matapos ang kanyang off-season feet surgeries kasabay si forward Kelly Williams. para palakasin ang kanilangt koponan.

Show comments