^

PSN Palaro

Llamados pinigil ng Ginebra

-

MANILA, Philippines - Nagwakas na ang five-game winning streak ng mga Llamados.

Sumandig kina Eric Menk, Mark Caguioa, Ro­nald Tubid at Rudy Hatfield sa final canto at pinuwersa ang mintis na three-point shot ni James Yap, itinakas ng Barangay Ginebra ang dramatikong 89-86 panalo kontra nagdedepensang Derby Ace sa elimination round ng 2010-2011 PBA Philippine Cup kagabi sa napunong Big Dome.

“They were tough and they were on a five-game winning streak,” ani Menk, umiskor ng conference-high 20 points, tampok rito ang 12-of-14 shooting sa freethrow line.

Matapos magtabla sa third period, 62-62, nagtuwang sina Caguioa, Menk, Hatfield at Billy Mamaril para ibigay sa Gin Kings ang 75-70 abante sa 5:42 ng fourth quarter.

Dalawang sunod na three-pointer nina James Yap at PJ Simon ang nag­lapit sa Llamados sa 75-76 sa 4:58 nito kasunod ang isang 3-point play ni Simon kay Mike Cortez para sa kanilang 79-75 bentahe, 4:27 sa laro.

Dalawang dikit na tres ang isinalpak ni Tubid, habang apat na freethrows ang naikonekta ni Menk upang iangat ang Ginebra sa 85-81 sa huling 1:22 bago ang basket ni Don Allado at tres ni Simon matapos ang layup ni Hatfield para sa 86-87 agwat ng Derby Ace sa natitirang 10.7 segundo.

Muling sinolo ng Ginebra ang ikalawang puwesto sa kanilang 8-3 baraha sa ilalim ng San Miguel (9-2) kasunod ang Talk ‘N Text (7-3), Derby Ace (6-6), Me­ralco (5-5), Rain or Shine (5-5), Alaska (5-7), Air21 (4-7), Powerade (3-8) at Barako Bull (2-9).

Sa unang laro, kumayod naman ang Elasto Painters ng isang 10-0 atake sa huling minuto ng fourth quarter para balasahin ang Aces, 80-79. (RCADAYONA)

Ginebra 89 - Menk 20, Caguioa 18, Tubid 12, Miller 12, Hatfield 11, Cortez 9,Mamaril 4, Wilson 2, Aquino 1, Villanueva 0.

B-Meg Derby Ace 86 - Simon 26, Yap J. 14, Gaco 13, Yap R. 10, Allado 10, Maierhofer 4, Villanueva 3, Salvador 2, Canaleta 2, Pingris 2, Adducul 0.

B-MEG DERBY ACE

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BIG DOME

DERBY ACE

GINEBRA

HATFIELD

JAMES YAP

MENK

TUBID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with