Bulls sinuwag ang Patriots sa Baseball Philippines

MANILA, Philippines - Winakasan ng Batangas Bulls ang dominanteng paglalaro sa eliminasyon ng Dunkin’ Donuts Baseball Philippines Series VII sa pamamagitan ng 7-5 pa­nalo sa Taguig kahapon sa Felino Marcelino Memorial Field sa Taguig City.

Hindi sumablay sa tat­long bat si Jojo Apura bu­kod pa sa tatlong RBIs habang si Charles Cata­ngui ay may 2 of 3 at bat at dalawang RBIs upang ka­tampukan nila ang 12 hits na ginawa sa laro.

Ang ikalawang hit ni Apura ay nagpaiskor kay Virgilio Roxas na unang umani ng double, para basagin ng Bulls ang 2-2 pagkakatabla sa fifth inning.

May single uli si Apura sa seventh at isang RBI habang si Catanguit ay gu­mawa ng two-run double para makaabante pa ang Bulls sa 7-2 kalamangan.

Pero nakabawi ng tatlong runs ang Patriots sa eight inning dahil sa dalawang errors ni catcher Dio Remollo.

Ngunit hindi na hinayaan pa ng Bulls na matapyasan pa ang kalamangan sa paglatag ng magandang depensa sa huling ninth inning na kinatampukan uli ni Apura na gumawa ng double play. 

Show comments