GUANGZHOU - Mula sa tahimik na billiards halls at maingay na arenas ng combat sports, mula sa bowling lanes at dance halls hanggang sa matarik na fairways dalawang koponan at 13 individuals players ang lumaban para manalo.
Sila ang mga bagong Filipino heroes ng 16th Asian Games at sa pagtatapos ng taon ay makukuha nila ang kanilang karangalan bilang mga Filipino champions.
Si Biboy Rivera, inihayag ang kanyang retirement matapos ang 13 taon sa sport, ang nakakuha ng kanyang una at maaaring huling Asian Games gold medal sa men’s singles event sa bowling.
Ito rin ang posibleng huling gold sa bowling dahil sa pag-aalis nito sa Asiad simula sa taong 2014 na magtatanghal sa kanya bilang pinakahuling bowling gold medalist mula sa bansa.
Sa billiards, naglaho namang parang ‘magic’ si Efren “Bata” Reyes sa first round ng 8-Ball singles,ang ikatlong kabiguan niya matapos noong 1991.
Nasibak rin sina Roberto Gomez sa 8-Ball, Rubilen Amit at Iris Villanueva sa 8-Ball at 9-Ball.
Sa pagbibigay ng lakas ng loob ng kanilang coach na si Django Bustamante, nagtuwang sina Warren Kiamco at Dennis Orcollo sa 9-Ball --ang pinakahuling event sa billiards.
Bumangon si Orcollo mula sa isang 4-7 deficit para talunin ang kanyang Vietnamese rival sa quarterfinal, habang binigo naman ni Kiamco ang isang Taiwanese, 9-7, para itakda ang isang all-Filipino gold medal match.
Si Orcollo ang umangkin sa gold medal, habang silver naman ang nakuha ni Kiamco.
Sa Foshan Lingnan Mingzhu boxing gym, bumigay si Annie Albania sa kanyang nakalabang Chinese sa final round.
Determinado, tinalo naman ni Rey Saludar ang kanyang Chinese counterpart para sa kanyang 10-3 tagumpay para kunin ang gintong medalya.
Sa Dragon Boat Lake, ibinulsa ni Miguel Tabuena ang silver medal.
Sa Guangzhou Chess Institute, isinulong naman nina Grand Master Eugene Torre at Wesley So ang koponan sa silver medal finish.
Sa taekwondo event, limang Filipino jins ang nakapasok sa semifinal round ngunit nabigo rin samga nakaharap na mga Chinese, Japanese at Iranians.
Sa kabuuan, walo lamang sa 28 sports o 18 sa 188 athletes ang nakapag-uwi ng medalya para sa bansa.
Tumapos ang mga atleta na may tatlong gold, apat na silver at siyam na bronze medals.