^

PSN Palaro

Dahil sa injuries, Patrombon, Grinter umayaw na

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi na kinaya pa nina Filipino netter Jeson Patrombon at Jarin Grinter ng New Zealand ang sakit ng mga tinamong injuries upang magdesisyon na huwag ng laruin ang quarterfinals match nila sa boys doubles ng 24th Yucatan World Cup laban kina Oliver Golding at George Morgan ng Great Britain kahapon sa Meridan, Mexico.

Si Patrombon ay may wart sa kaliwang paa dahilan upang makaramdam ito ng pananakit kapag naiaapak ito habang si Grinter ay may iniindang pulled stomach muscle dahilan upang makuha ng mga karibal na second seeds sa kompetis­yon ang walk over na panalo tungo sa se­mifinals.

Sa pangyayari tuluyang nagwakas ang kampanya ni Patrombon sa kompe­tisyon na kanya ring kahuli-hulihan sa taong ito.

Pumasok sa quarterfinals sa singles, ang 17-anyos na si Patrombon ay inaasahang kukuha pa rin ng ITF puntos upang mapataas ang kasalukuyang 30th ranking sa mundo.

Magpapahinga si Patrombon at ipao-opera ang kanyang kaliwang paa upang maalis ang wart upang bumalik ang sigla nito sa pagkampanya sa 2011 season.

Inaasahang papasok pa rin sa top 15 si Patrombon sa world rankings matapos ang 2010 kahit hindi na maglalaro sa buwan ng Disyembre dahil ang 20 sa unang 30 manlalaro ay mawawala na sa talaan sa susunod na taon dahil lampas na sila sa age limit sa juniors division.

DISYEMBRE

GEORGE MORGAN

GREAT BRITAIN

JARIN GRINTER

JESON PATROMBON

NEW ZEALAND

OLIVER GOLDING

PATROMBON

SI PATROMBON

YUCATAN WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with