Bulls dinala ni Rose sa panalo
PHOENIX - Muling pinatunayan ni Derrick Rose kung bakit siya ang No. 1 pick sa 2008 NBA draft at bakit isa siya sa mga premier guards sa liga.
Umiskor si Rose ng 35 points para tulungan ang Chicago Bulls sa pagbura ng isang 23-point, second-quarter deficit at igupo ang Phoenix Suns, 123-115, sa double-overtime.
Tabla ang laro sa 101-101 matapos ang regulation tampok ang dalawang freethrows ni Rose sa huling 14 segundo.
Muling naitabla ni Rose ang Bulls sa Suns sa 111-111 sa natitirang 0.1 segundo sa unang overtime mula sa kanyang reverse layup.
Siya naman ang kumuha ng unang limang puntos ng Chicago sa ikalawang extension period upang iwanan ang Phoenix sa 116-113
Nagdagdag naman si Luol Deng ng 26 points at 10 rebounds para sa Bulls.
Umiskor si reserve Kyle Korver ng season-high 24 para sa Chicago at may 17 points at 15 boards naman si Joakim Noah.
Pinamunuan ni Hill ang Suns sa kanyang season-high 27 points, habang may season-high 23 markers si Hakim Warrick.
Sa Oklahoma, kumana si Dirk Nowitzki ng 34 puntos at tinalo ng Dallas Mavericks ang Thunder, 111-103.
Sa iba pang resulta, pinataob ng Orlando Magic ang Miami Heat, 104-95; pinisak ng Boston Celtics ang New Jersey Nets, 89-83 habang ginapi naman ng New York Knics ang Charlotte Bobcats, 99-95.
- Latest
- Trending