^

PSN Palaro

Drian pakay ang WBA Interim Belt

-

MANILA, Philippines - Hindi na makapaghintay si Drian ‘‘Gintong Kamao’’ Francisco na harapin si Duangpetch Kokietgym ng Thailand para sa WBA in­terim super flyweight crown sa Nobyembre 30 sa Bueng Kan, Thailand.

Dumating na ang Team Francisco, pinamumunuan ni Saved by the Bell Promotions president at Francisco manager Elmer Anuran, sa Bangkok noong Nob­yembre 22 para lalo pang pagandahin ang kondisyon ng Pinoy boxer.

“Handang-handa na akong makalaban siya,” sam­bit ni Francisco, nagba­bandera ng 19-0-1 win-loss-darw ring record kasama ang 15 KOs kumpara sa ma­tayog na 52-1-1 (21 KOs) card ng beteranong si Kokietgym.

Bantog si Kokietgym bilang berdugo ng mga Pi­noy boxer.

Siyam na pinoy fighters na ang nagiging biktima ng Thai warrior kung saan ang pinakahuli ay si Edwin Tumbaga na pinabagsak niya sa second round para sa matagumpay na pagde­depensa ng kanyang Pan Asia Boxing Association super flyweight crown.

Si Francisco naman ang kasalukuyang WBA super flyweight internatio­nal champion at No. 1 challenger ni Mexican Hugo Cazares.

Ang sinumang manana­lo kina Francisco at Kokietgym ang siyang lalaban kay Cazares sa susunod na taon.

“Talagang ibibigay ko ang lahat upang talunin si Duangpetch sa kanyang teritoryo,” pangako ni Francisco.

BELL PROMOTIONS

BUENG KAN

DUANGPETCH KOKIETGYM

EDWIN TUMBAGA

ELMER ANURAN

FRANCISCO

GINTONG KAMAO

KOKIETGYM

MEXICAN HUGO CAZARES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with