Donaire gustong makalaban si Montiel
MANILA, Philippines - Ang panalo ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. kay Wladimiro Sidorenko ng Ukraine ang posibleng magtakda sa kanilang laban ni Mexican Fernando Montiel.
Kaya naman hindi na makapaghintay si Donaire sa kanilang banggaan ni Sidorenko sa Disyembre 4 sa Honda Center sa Anaheim, California.
“I’ve never really been motivated. I’m reaching the more fully me, the better me. This is finally the chance I have been looking for,” ani Donaire.
Paglalabanan nina Donaire at Sidorenko ang interim World Boxing Association (WBA) bantamweight crown.
Sakaling manalo sa dating WBA champion na si Sidorenko, itatakda ng Top Rank Promotions ang laban ni Donaire kay Montiel sa Pebrero 19 sa 2011.
Tangan ng dating world flyweight king na si Donaire ang 24-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 16 KOs, habang tangan ni Sidorenko ang 22-2-2 (7 KOs).
Kasalukuyan namang hawak ni Montiel (43-2-2, 33 KOs) ang World Boxing Council (WBC) bantamweight belt.
"When I have Montiel in my sight, as my target, I feel totally motivated. I have no fear," sabi ni Donaire. "They are going to see a different guy going in there. I'm motivated with Montiel on the horizon. This is where I want to be.”
Si Mexican Robert Garcia, humawak kay Antonio Margarito, ang chief trainer ni Donaire.
“We’re looking forward to getting that big date against Montiel.”
Nawala kay Sidorenko ang kanyang WBA bantamweight crown kay Panamanian Anselmo Moreno noong 2008 at natalo sa kanilang rematch ni Moreno noong 2009.
- Latest
- Trending