GUANGZHOU - Papagitna sa aksyon sina amateur pugs Annie Albania at magkapatid na Rey at Victorio Saludar sa layuning makapasok sa gold medal round ng 16th Asian Games boxing competitions dito.
Makakalaban ni Albania si Aya Shinmoto ng Japan sa women’s 48-51kg, habang makakasagupa ni Rey si Japanese bet Katsuaki Susa sa men’s 52kg at haharapin ni Victorio si Bizhan Zhakypov ng Kazakhstan sa 46-49kg. division.
Kumpiyansa si Philippine boxing executive director Ed Picson sa tsansa ng tatlong amateur pugs.
“We had a pep talk with them. I’m quite confident they can hurdle the semis. Then we’ll talk gold,” sabi ni Picson.
Panonoorin naman ng ilan sa mga top executives ng Smart-PLDT sa pangunguna ni ABAP chairman Manny V. Pangilinan ang mga laban para bigyan ang mga national fighters ng morale support.
Si Albania at ang Saludar brothers ay tiyak nang tatanggap ng P500,000 cash gifts mula sa Smart-PLDT incentive program.