Arum ihahain kay Pacquiao ang kanyang posibleng susunod na makakalaban

MANILA, Philippines - Dadalo si Bob Arum ng Top Rank Promotions sa ika-32 kaarawan ni Manny Pacquiao sa Disyembre 17 sa Sarangani.

Kasabay nito, ilalahad ni Arum sa Filipino world eight-division champion ang ilan sa mga maaari niyang makalaban sa 2011.

Isasama ni Arum sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ang kanyang asawang si Lovee, ang kanyang stepdaughter na si Deena DuBoef at si trainer Freddie Roach.

“We’ll take Freddie with us and go the day after he has Amir Khan fighting (Marcos Maidana) in Las Vegas,” sabi ni Arum. “While we visit with Manny, we’ll discuss his next opponent.”

“Siguro kapag umabot na ako ng 35 years old baka mag­retiro na ako talaga,” sabi naman ni Pacquiao.

Dalawa hanggang tatlong laban ang maaaring ga­win ni Pacquiao sa susunod na tatlong taon.

Binugbog ni Pacquiao si Mexican Antonio Margarito via unanimous decision para sa bakanteng World Bo­xing Council (WBC) light middleweight crown noong Nob­yembre 13 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

Kabilang sa mga nasa listahan ni Arum ay sina Floyd Mayweather, Jr. Sugar Shane Mosley, Andre Berto at Juan Manuel Marquez.

Show comments