^

PSN Palaro

Talo si Marestella sa long jump

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nabigo si Marestella Torres na mawakasan ang 15 taong kawalan ng me­dal­ya ng athletics sa Asian Games nang pumang apat sa paboritong long jump event sa 16th Asian Games sa Aoti Main Stadium sa Guangzhou, China.

Matapos ang 6.49m lundag sa unang talon na kanyang personal best, minalas si Torres na ma-foul sa sumunod na limang talon para malaglag mula sa una hanggang sa pang-apat na puwesto.

Si Yuliya Tarasova ng Uzbekistan ay nakagawa rin ng 6.49m pero nakuha niya ang bronze medal dahil sa kanyang 6.42m.

Ang ginto ay napunta kay Jung Soonok ng Korea sa lundag nitong 6.53m na ginawa sa fourth attempt, habang si Olga Rypakova ng Kazakhstan ay may 6.50 sa ikatlong talon para sa pilak.

Ang huling atletang nanalo ng medalya sa long jump ay si Elma Muros-Po­sadas noong 1994 Hiroshima Asian Games.

Ang huling gintong me­dalya naman ay naihatid ni Lydia De Vega-Mercado sa 100m sprint nong 1986 sa Seoul, Korea.

Si Rene Herrera ay No. 8 sa 3000m steeplechase event sa kanyang 9:02:93 tiyempo.

Ang hammer thrower na si Arniel Ferrera ay No. 9 sa kanyang 58.06 meters.

vuukle comment

AOTI MAIN STADIUM

ARNIEL FERRERA

ASIAN GAMES

ELMA MUROS-PO

HIROSHIMA ASIAN GAMES

JUNG SOONOK

LYDIA DE VEGA-MERCADO

MARESTELLA TORRES

OLGA RYPAKOVA

SI RENE HERRERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with