Laro Ngayon
1:15 p.m. - Philippines vs South Korea
3:30 p.m. - Japan vs North Korea
7:15 p.m. - Iran vs Jordan
9:30 p.m. - China vs RP 5
GUANGZHOU - Nagpakita ng kanyang lakas si Asi Taulava sa ilalim, habang umasinta naman sa labas sina Fil-Am Marcio Lassiter at Chris Tiu para tulungan ang Smart Gilas Team Pilipinas sa 82-73 paggiba sa Chinese-Taipei at angkinin ang isang quarterfinals seat sa 16th Asian Games basketball competitions dito.
Humakot ang 6-foot-9 na si Taulava ng 18 points at 12 rebounds, samantalang nagsalpak ng tig-tatlong three-point shots sina Lassiter at Tiu para sa pinagsama nilang 33 markers.
Makakasagupa ng Nationals ang South Korea sa knockout stage ngayong ala-1:15 ng hapon.
Kinuha ng Smart Gilas ang No. 3 seeding sa Group F mula sa kanilang 3-2 rekord matapos matalo ang Qatar sa Iran, 46-88.
Bagamat may parehong karta, naungusan ng Nationals ang Qatarians para sa No. 3 seat bunga ng winner-over-the-other rule.
Binigo na ng Smart Gilas ang Qatar, 90-68, sa eliminasyon.
“We solved their zone and that’s the key,” sabi ni Smart Gilas coach Rajko Toroman sa kanilang tagumpay sa Taiwanese.
Kumpiyansa ang Nationals na magugulat nila ang Koreans papasok sa medal round.
Tumapos si Lassiter na may 18 points kasunod ang 15 ni Tiu.
Philippines 82 -- Taulava 18, Lassiter 18, Tiu 15, Baracael 11, Williams 8, Casio 7, Lutz 3, Barroca 2.
Chinese Taipei 73 - Lin 21, Wu 20, Lee 19, Mao 7, Hung 5, Chien 1, Tien 0, Chen 0, Chou 0.
Quarterscores: 20-21, 42-40, 64-54, 82-73.