RP chessers nakalusot sa India
GUANGZHOU, China --Umiskor ng magkahiwalay na panalo sina GMs Wesley So at Eugene Torre para palakasin ang kampanya ng Philippine chess team sa 16th Asian Games .
Tinalo ni So si GM Pentala Harikrishna sa board one para pangunahan ang mga Filipinos sa isang morale-boosting na 2.5-1.5 upset win laban sa second seed India sa fifth round sa Guangzhou Chess Institute dito.
Binigo naman ni Torre si GM B. Adhiban sa board four.
Nakipag-draw si GM Rogelio Antonio, Jr. kay GM Krishnan Sasikiran sa board two, habang natalo naman si GM John Paul Gomez kay GM Surya Shekhar Ganguly sa board three.
Umangat ang sixth-seeded Filipinos sa solo second place sa likod ng top seed China sa nasabing nine-round competition na nilahukan ng kabuuang 25 countries.
Tinalo ng China ang Iran, 3-1, mula sa mga panalo nina GMs Bu Xiangzhi at Zhou Jianchao kina GM Homayoon Toufighi at IM Ashgar Golizadeh sa lower boards
Pinayukod na ng mga Chinese, paboritong magdomina sa men’s at women’s competitions, ang limang bansang kanilang nakahaharap, kabilang na ang mga Filipinos sa third round.
Walang inilabang women’s team ang bansa.
Galing ang India sa 1.5-2.5 kabiguan sa mga kamay ng top seed China sa fifth round upang manatiling hawak ng Chinese ang solong liderato taglay ang perpektong 8 puntos mula sa apat na sunod na panalo.
Sumandig ang host country sa nag-iisang panalo ng mga Chinese sa mga kamay ni GM Ni Hua nang kanyang pigain si GM G.N. Gopal.
Makakalaban ng mga Pinoy sa 6th round ang dating Russian Republic Uzbekistan, nakipag-darw sa Kazakhstan, 2.-2.
Ang mga Uzbeks ay babanderahan nina GM Rustam Kasimdzhanov at Anton Filippov.
Si Kasimdzhanov ang kumuha sa individual gold medal sa rapid chess competitions sa kanyang anim na panalo at tatlong draws.
Sa women’s side, ginapi ng China ang Bangladesh, 2.5-1.5 at pinayuko ng India ang Vietnam, 2.5-1.5 upang patuloy na magsalo sa liderato taglay ang tig-7 puntos.
- Latest
- Trending