Pacquiao tutulong sa RP pugs para sa 2012 Olympics
MANILA, Philippines - Inangkin na niya ang isang Congressionel seat sa Sarangani at ang rekord na pangwalong boxing title sa walong magkakaibang weight divisions.
Ngunit may gusto pang makuha si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao.
“Ang plano ko ngayon ay tutulong ako for the Olympic Games in 2012,” sambit kahapon ng 31-anyos na si Pacquiao sa panayam sa Umagang Kay Ganda sa ABS-CBN.
Balak ni Pacquiao na kunin ang serbisyo ni strength and conditioning coach Alex Ariza para sa pagsasanay ng mga Filipino pugs ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP).
“Sisikapin ko na maipagamit ko sa kanila (ABAP) si Alex Ariza para maturuan ‘yung mga national boxers natin,” wika ni Pacquiao. “Puwedeng kunin ng Philippine Sports Commission si Alex Ariza para magkondisyon sa lahat ng mga atleta.”
Sa kasaysayan ng paglahok ng bansa sa Olympic Games, tanging ang silver medal nina featherweight Anthony Villanueva at light flyweight Mansueto “Onyok” Velasco, Jr. ang pinakamataas na karangalan na nakuha ng isang Filipino athlete.
Ayon kay Pacquiao, sisiguraduhin niyang magiging bahagi siya ng naturang krusada para sa kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa.
- Latest
- Trending