SAN ANTONIO — Umiskor si Tony Parker ng 19 points at dumiretso ang San Antonio Spurs sa kanilang pang 10 sunod na arangkada matapos igupo ang Cleveland Cavaliers, 116-92.
May 11-1 rekord ngayon ang Spurs.
“Great run for us,” ani Spurs forward Tim Duncan. “There’s going to be some ups and downs this season, but this team is built on what we did last year.”
Nag-ambag si rookie Tiago Splitter ng 18 points, habang may 14 si Richard Jefferson at 13 si Manu Ginobili.
Sa Memphis, isinalpak ni Rudy Gay ang isang fadeaway jumper laban kay LeBron James sa pagtunog ng final buzzer para itakas ang Memphis Grizzlies sa Miami Heat, 97-95.
Hindi naglaro ang may sakit na si Dwyane Wade para sa Heat.
Naitabla ni James ang laro sa 95-95 matapos ang dunk mula sa agaw ni Eddie House kay Gay sa huling 5.5 segundo.