^

PSN Palaro

Nationals nasilat sa Japan

- Joey Villar, Nelson Beltran -

GUANGZHOU--Na­imin­tis ni Jayvee Casio ang isang court-to-court drive sa huling limang segundo na nagpaguho sa Smart Gilas Team Pilipinas, 58-60, kontra sa Japan sa 16th Asian Games basketball competition dito sa Huangpu Gymnasium noong Biyernes ng gabi.

Bagamat burado na sa top seeding sa Group F, may tsansa pa rin ang Nationals sa isang tiket sa Final Eight.

Sasagupain ng Smart Gilas ang India ngayong alas-9:30 ng gabi sa Yingdong Gym.

Maaari nilang makuha ang third seeding sa grupo kung matatalo nila ang India at ang Chinese-Taipei sa Lunes.

Umiskor si Takumi Ishi­zaki ng game-high 16 points para sa Japan kasunod ang 11 ni Kosuke Takeuchi na humablot rin ng 11 rebounds.

Nanggaling ang Smart Gilas sa malaking 90-68 paggiba sa Qatar bago nabigyan ng tsansa si Casio na madala sa overtime period ang kanilang laban ng Japan.

Ang tumalbog na three-point shot ni Mac Baracael ang siya sanang nagbigay sa Nationals ng lamang kontra Japanese.

Sa iba pang laro sa Group F, tinalo ng Qatar ang Chinese-Taipei, 72-70, habang iginupo ng Iran ang India, 78-63.

Sa Group E, hiniya ng China ang Uzbekistan, 96-31, at ginapi ng South Korea ang North Korea, 96-66.

ASIAN GAMES

CHINESE-TAIPEI

FINAL EIGHT

GROUP F

HUANGPU GYMNASIUM

JAYVEE CASIO

KOSUKE TAKEUCHI

MAC BARACAEL

NORTH KOREA

SMART GILAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with