ORLANDO, Fla. - Dahil sa kanyang groin injury, pinanood na lamang ni point guard Steve Nash na matalo ang kanyang Phoenix Suns.
Sinamantala naman ito ni Jameer Nelson matapos magtala ng 15 points at season-high 12 assists para tulungan ang Orlando Magic sa 105-89 paggupo sa Suns.
Nadagdag si Dwight Howard ng 20 points at 12 rebounds para sa Magic, habang may 15 points naman si Quentin Richardson.
Nagtayo ang Magic ng isang 32-point lead laban sa Suns patungo sa kanilang ikatlong sunod na ratsada.
Nagposte si backup point guard Goran Dragic ng 10 points, 4 assists at 4 rebounds para sa Pheonix.
Sa Portland, Oregon, umahon ang Portland sa second half upang itakas ang 86-83 panalo laban sa Denver Nuggets.
Tumapos si LaMarcus Aldridge ng 24 puntos at nagdagdag naman si Wesley Matthews ng 20 puntos para sa Blazers.
Sa Indianapolis, umiskor si Danny Granger ng 22 puntos at natabunan ng kulang sa taong Indiana ang mabagal na Los Angeles Clippers, 107-80.