^

PSN Palaro

P15T buwanang pensyon sa atletang nakapagbigay ng karangalan sa bansa aprobado na sa Kamara

- Ni PRomero -

MANILA, Philippines - Hindi pa huli ang lahat para sa mga national at professional athletes na nakapagbigay ng karangalan sa bansa.

Inaprubahan kahapon ng House committee on Youth and Sports Development ang isang house bill na magbibigay ng P15,000 monthly retirement pension sa naturang mga atleta na nagwagi ng world titles o world championships.

Kabilang sa mga ina­asahang mabibiyayaan ng house bill ay sina Lydia de Vega at Elma Muros-Po­sadas ng track and field, bowling Hall of Famer Pa­­eng Nepumuceno at two-time pool player world champion Efren “Bata” Reyes.

Ito ay matatanggap lamang ng mga retiradong atleta kapag naging isang ganap nang batas.

Idinagdag rin ni Puwer­sa ng Bayaning Atleta par­ty-list Rep. Mark Sambar na inaprubahan rin ng pa­nel ang pagbibigay ng health benefits na aabot sa P200,000 per hospitalization sa mga Filipino world champions.

Ang naturang panel ay pinamumunuan ni chairman Camarines Norte Rep. Renato Unico.

Ang naturang house bill ay ang pinagsama-samang House Bills 2094, 38 at 1964 na inakda nina Sambar, South Cotabato Rep. Pedro Acharon Jr. at Las Piñas Mark Villar, ayon sa pagkakasunod.

Tiniyak ni Sambar na kapag naging batas na ang nasabing house bill ay mabibigyan ng P15,000 monthly pension sina dating WBA junior lightweight king Rene Barrientos, 68; WBA junior lightweight Ben Villaflor, 68; WBA flyweight Bernabe Villacampo, 67; WBA flyweight Erbito Salvaria, 64; WBC junior lightweight Rolando Navarette, 53 at WBC flyweight Frank Cendeno, 52.

BAYANING ATLETA

BEN VILLAFLOR

BERNABE VILLACAMPO

CAMARINES NORTE REP

ELMA MUROS-PO

ERBITO SALVARIA

FRANK CENDENO

HALL OF FAMER PA

HOUSE BILLS

LAS PI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with