Star vs Hobe; Wang's kontra RBC sa semis

MANILA, Philippines - Pinataob ng Royale Business Club ang Manuel Luis Quezon University, 122-93 at isaayos ang kani­lang paghaharap sa semifinal ng defending champion Wang’s Club sa 2010 MBL invitational basketball championship sa RTU gym sa Mandaluyong City.

Inilabas ni Jaymo Eguilos ang kanyang pinakamahusay na laro upang trangkuhan ang Royale BC sa maningning na panalo laban sa Stallions sa kani­lang knockout game sa nine-team tournament na suportado rin ng Smart Communications, Dickies Underwear, WG Diner at PRC Courier Services.

Sa kabilang dako, kaila­ngan ng Royale na dala­wang ulit na talunin ang Wang’s upang makapuwesto sa kampeonato.

Tampok sa isa pang semis match ang sagupa­an ng topnotcher na Hobe Bihon at Star Group of Publications.

Nakapasok ang Star na ginagabayan ni coach Rene Recto at manager Mi­ke Maneze sa semis ma­tapos na manalo via walkover makaraang umatras ang Lyceum of the Philip­pines upang ipokus ang ka­nilang atensyon sa kanilang kampanya sa Philippine Collegiate Champion’s League (PCCL).

Tinapos ng Hobe ang elimination sa 7-1 win-loss slate at taglay nila ang twi­ce-to-beat advantage laban sa Star na magsisimula nga­­yong araw ang semis.         

Show comments