Operasyon kay Margarito tagumpay
MANILA, Philippines - Naging matagumpay ang isinagawang surgery kay Antonio Margarito ng Mexico para ayusin ang kanyang fractured right orbital bone kahapon sa Methodist Hospital sa Dallas, Texas.
Ito ang inihayag ng Top Rank Promotions kaugnay sa kasalukuyang estado ng 5-foot-11 na si Margarito matapos bugbugin ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao noong Linggo sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.
Sina Pacquiao at Margarito ay kapwa nasa bakuran ng Top Rank ni Bob Arum.
“The doctor told us everything went perfect, no complications of any kind,” wika ni Sergio Diaz, ang co-manager ni Margarito. “There is nothing wrong with his right eye. … Antonio is such a warrior. The first thing he asked was, ‘When can I start running,’ and we told him he has to relax for a while.
Para sa kanyang tuluyang paggaling, isang buwan ang kakailanganin ni Margarito.
“For sure, at least 60 days of no contact of any kind in a gym,” dagdag ni Diaz sa dating three-time world titlist.
Aminado naman ang 32-anyos na si Margarito na mas magaling sa kanya ang 5’6 1/2 at 31-anyos na si Pacquiao, ang tanging boksingerong humawak ng walong world boxing crowns sa walong magkakaibang weight divisions .
Magdamag pang mananatili si Margarito sa ospital kasama ang kanyang asawang si Michelle, co-managers na sina Diaz at Francisco Espinoza at trainer Robert Garcia.
- Latest
- Trending