MANILA, Philippines - Walang boksingerong makakatulad kay Manny Pacquiao.
Ito ang inihayag ni Robert Garcia, ang trainer ni Antonio Margarito na dinurog ni Pacquiao nang nagkrus ang kanilang landas noong Sabado para sa bakanteng WBC junior middleweight sa Cowboy’s Stadiim sa Arlington , Texas.
Alam na ni Garcia na ikinokonsidera si Pacquiao bilang pound for pound boxer ng mundo pero mas lumalim ang pagtingin at respesto ng trainer matapos ang dominanteng unanimous decision panalo nito sa mas malaking si Margarito.
“After this fight, Manny just totally proved to everybody that there is nobody who is near where he is a right now. We probably won’t see another Manny Pacquiao ever again. I don’t see anybody ever doing what Manny has done,” wika ni Garcia sa Boxing Fanhouse.
Nasunod ni Margarito ang kanilang inilatag na game plan pero nadiskaril ito ani ni Garcia nang tamaan ito ng malakas na kaliwa dahilan upang pumutok ang ilalim ng kanang mata nito.
Nasira umano ang focus ni Margarito dahil naramdaman nito na hindi lamang mabilis si Pacman kundi may bangis din ang mga kamao.
Bukod dito, nagawa ring tanggapin ni Pacquiao ang mga malalakas na suntok ni Margarito na mas lalo niyang ikinahanga.
“What did surprise me was that he took some good punches from Tony. Not only is he so fast and so strong, but he can also take a punch. Whatever happened earlier in his career where he got knocked out, all of that has changed and now, he not only hits hard and is so fast, but he can also take a punch,” dagdag pa ni Garcia.
Bigo man ay pinupuri pa rin ni Garcia ang ipinakitang laban ni Margarito na hindi umayaw kahit labis ang hirap na inabot sa laban.
“Me, our management and our etire team, we tried our best and we’re just proud to say that we were in there against the best fighter in the world,” pagtatapos nito.
Si Margarito ay nasa ospital pa at nakatakdang operahan sa nabasag na kanang eye socket.