^

PSN Palaro

Gold sa Pinas mailap pa rin

-

MANILA, Philippines - Nakatiyak pa ng isang me­dalya ang Pilipinas sa araw na muling naging ma­tamlay ang kampanya ng pambansang atleta sa pagpapatuloy ng 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Sinelyuhan ni sanshou artist Mark Eddiva ang ika­apat na bronze medalist ng bansa nang makapasok ito sa semifinals sa 65 kilogram division.

Hindi bababa sa bronze medal ang kanyang maibibigay sa Pambansang ko­ponan matapos talunin si Kerigh Javad Aghaei ng Iran sa quarterfinals ng mapatalsik ng Laos SEA Games gold medalist ang kalaban sa mat.

Sunod na kaharap ni Ed­diva ay ang pambato ng China na si Junyong Zhang kagabi at kung palarin na manalo ay aabante sa fi­nals ng dibisyon.

“Mahirap na kalaban si Zhang dahil magaling si­ya. Pero ano man ang mang­yari ay masaya kami sa medal na maibibigay ni Mark,” wika ni Wushu Fe­de­ration Philippines (WFP) secretary-general Julian Camacho.

Si Eddiva lamang ang lalabas na medalist ng wu­shu matapos matalo ang iba pang sanshou artist na sina Eduard Folayang at Benjie Rivera sa kalalakihan at Mary Jane Estimar at Marianne Mariano sa ka­babaihan.

Ang taolo bet na si Da­niel Parantac ay hindi rin pi­nalad sa nilahukang mga events.

Nanatili sa isang ginto at tatlong bronze medals ang napapanalunan ng ban­sa sa kompetisyon nang walang palarin sa mga man­lalarong kumampan­ya sa mga unang events ka­hapon.

 Kasama sa hindi sinuwerte ay ang anim na lady bowlers na hangad sanang masundan ang gold medal performance na ginawa ni Engelberto “Biboy” Rivera sa men’s singles kamaka­lawa.

Si Mariane Daisy Posadas, na gaya ni Rivera ay nag­laro sa Bowling World Cup at tumapos sa ikali­mang puwesto, ang luma­bas na may pinakamagandang ipinakita sa ginawang 1183 iskor sa 6-game series.

Pero kapos ito ng 212 pins sa nanalo ng ginto na si Sun Ok Hwang ng Ko­rea na mayroong 1395. Ang pilak at bronze me­dals ay napunta sa mga pambato ng Singapore na sina Lin Zhi Shayna Ng at Hui Fen New sa 1342 at 1341 iskor.

Bigo rin sina GMs Wesley So at Joey Antonio sa hangaring medalya sa in­dividual chess sa Guangzhou Chess Institute.

Ang tatlong huling round sa 9-round format ay tinapos kahapon at si So ay may dalawang talo at isang tabla para magkaroon lamang ng 5 puntos at makatabla sa ika-14 hanggang 21 puwesto.

Si Antonio pa ang luma­bas na may pinakamagan­dang ipinakita nang magkaroon ito n 5.5 puntos pa­ra makasalo sa ikasiyam hanggang 13th puwesto.

Si Marites Bitbit na nag­sanay pa sa Australia ay nagkaroon lamang ng limang puntos sa point race para malagay lamang sa ikapitong puwesto habang ang mga kumatawan sa judo, soft tennis, shoo­ting, sailing at ilang laro sa bil­yar ay hindi rin naging produktibo.

Dahil hindi nabago ang isang ginto at tatlong bronze medal na naitala ng Pilipinas, ang koponan ay nalaglag buhat sa ikasiyam na puwesto tungo sa ika-11 pu­westo.

Ang China ay nangu­nguna pa rin sa 70 ginto, 25 pilak at 26 bronze me­dals at sinusundan sila ng South Korea na mayroong 21-15-24 at Japan na may 15-32-27.

Ang Malaysia ang na­nanatiling angat sa hanay ng South East Asian countries sa ikasampung puwesto gamit ang 1 ginto, 1 pilak at 3 bronze medals.

ANG CHINA

ANG MALAYSIA

ASIAN GAMES

BENJIE RIVERA

BOWLING WORLD CUP

BRONZE

EDUARD FOLAYANG

GUANGZHOU CHESS INSTITUTE

HUI FEN NEW

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with