Nationals susukatan ang Iran ngayon
GUANGZHOU--Sisimulan ng Smart Gilas Team Pilipinas ang pagsagupa sa mga bigating koponan sa Asya.
Sasagupain ng Nationals ni Serbian coach Rajko Toroman ang back-to-back Fiba Asia champion Iran ngayong alas-9:30 ng gabi.
Hindi pa tinatalo ng mga Filipino cagers ang mga Iranians sa nakaraang tatlong taon.
Ang Iran ang nagkampeon sa Fiba Asian noong 2007 at 2009.
Bagamat hindi maglalaro si Memphis Grizzlies’ center Hamed Haddadi, ipaparada naman ng Iran si 7-foot-4 center Jaber Rouzbahani bukod pa sa limang 6-foot-9 players.
Magbabalik rin si Iranian hotshot Samad Nikkhah Bahrami.
Ang 6’5 forward ay nagtala ng average na 20 points sa 2008 Beijing Olympic Games.
Tinalo ng RP squad ni coach Chot Reyes ang Iran sa ilalim ni Toroman, 89-79, sa 2007 Jones Cup sa Taipei.
Nagbida sina James Yap, Jimmy Alapag, Mark Caguioa at Kelly Williams sa nasabing tagumpay ng Nationals.
Binalikan naman ng Iran ang RP squad sa Tianjin Fiba Asia.
- Latest
- Trending