Patriots lusot sa Slingers sa 2 ot

MANILA, Philippines - Gumawa si Rashiem Wright ng 22 puntos pero sa huli ay ang mga locals ang tumikada upang ma­igiya ang Philippine Patriots sa 87-85 double overtime panalo sa Singapore Sli­n­gers sa AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) Season 2 kagabi sa Si­n­ga­­pore.

Sina Harold Sta. Cruz at Egay Billones ang naghatid sa huling limang puntos ng bisitang koponan matapos ang huling tabla sa 82-all para maisulong ang na­ngu­ngunang karta sa 6-1 baraha.

Nasa unang pagka­ka­taon ng paglalaro, si Wright ay nagtapos sa 9 of 20 shooting bukod pa sa pagkakaroon ng tatlong steals.

Si Donald Little naman ay naghatid ng 10 puntos, 17 rebounds at 2 blocks bago na foulout pero napa­wi ang puwestong ito nina Joseph Salangsang, Chito Jaime at Jun Jun Cabatu na umiskor ng doble pigura at nagsanib sa 32 puntos.

Gumawa naman ng 36 puntos, kasama ang wa­long tres si Leo Avenido habang may 29 puntos at 11 rebounds si Marcus Skinner.

Pero ang dalawang ito ay naposasan sa huling mahahalagang tagpo ng labanan para mauwi sa wala ang maagang pamamayagpag ng koponan sa first half at malaglag sa 3-4 karta.

Lumayo sa 24-10 ang Slingers at hinawakan pa ang 40-26 kalamangan sa halftime pero hindi nasira ang loob ng Patriots sa mas maalab na paglalaro sa second half at sa dalawang overtime.

Nanguna sa rebounding ang Slingers, 59-46, pero mayroon lamang limang assists ito laban sa 13 ng Patriots na gumawa rin ng mas magandang shooting 40% laban sa 33% at may 48-38 bentahe pa sa inside points.

Show comments