^

PSN Palaro

Mepranum, Laurente may pinatunayan

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Sinagip ng mga panalo nina Richie Mepranum at Dennis Laurente ang kabi­guan ni Juan Martin “Bai” Elorde, ang apo ni boxing Hall of Fame inductee Gabriel “Flash” Elorde.

Tinalo ni Mepranum, ang dating World Boxing Organization (WBO) flyweight title challenger si Anthony Villareal ng Peris, California via split decision mula sa kanyang 58-56, 58-56, 56-58 scores sa ka­nilang six-round bout.

May 17-3-1 win-loss-draw ring record ngayon si Me­pranum kasama ang 3 KOs, kumpara sa 10-4-0 (5 KOs) card.

Umiskor naman ang be­teranong si Laurente (36-3-5, 18 KOs) ng isang eight-round unanimous win laban kay Rashad Holloway (11-2-1, 5 KOs) ng Raleigh, North Carolina sa kanilang welterweight fight.

Si Holloway ang palagiang sparmate ni Manny Pacquiao.

Binugbog ni Laurente si Holloway sa first hanggang six round mula sa kan­yang mga overhand lefts at right hooks patungo sa kanyang 77-75, 79-73 at 78-74 scores.

Natalo naman si Elorde (12-1-0, 11 KOs) kay Angel Rodriguez (5-4-2) ng Houston via unanimous decision sa kanilang four-round lightweight fight.

Kinuha ni Rodriguez ang mga 40-36, 40-36 at 39-37 scores laban kay Elorde.

vuukle comment

ANGEL RODRIGUEZ

ANTHONY VILLAREAL

DENNIS LAURENTE

ELORDE

HALL OF FAME

JUAN MARTIN

LAURENTE

NORTH CAROLINA

RASHAD HOLLOWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with