Muñoz uuwing luhaan, sibak na agad
GUANGZHOU--Wala nang nakikitang dahilan si Frances Audrey Muñoz para manalo laban sa Korea at Vietnam matapos mangulelet sa qualification round ng artistic gymnastics kahapon sa Asian Games Town Gymnasium.
Ang 17-anyos na si Muñoz, nadapa sa sahig at tuluyan nang nasibak sa elimination round, ay tumapos bilang 10th sa individual qualification sa kanyang iskor na 9.300 sa floor exercises at 10.4 sa beam.
Hindi siya nakakuha ng iskor sa uneven bars at vault.
“I think my performance on the Beam was a bit okay, but on the Floor, I was a little stupid because I tripped,” sabi ni Muñoz na kagaya ni rhythmic gymnast Ma. Victoria Recinto ay nagsanay sa Canada ng tatlong buwan.
Kung bakit hindi siya inspirado sa uneven bars, “I don’t really have skills on bars.”
Nag-iisa lamang si Muñoz na sumabak sa kompetisyon.
“Definitely (I like) a full team. It would have been a lot more fun. Someone’s there to support you,” wika ni Muñoz.
Ang Korea, China, Japan at Uzbekistan ang mag-aagawan sa gold medals.
Si Thi Thu Huyen Do ng Vietnam ay may 12.750 sa beam na resulta ng pagsasanay niya sa China sa loob ng anim na taon.
- Latest
- Trending