^

PSN Palaro

May panalo ba si Antonio kay Manny?

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines –  May ipapanalo ba si Antonio Margarito kay Manny Pacquiao?

Kung ang mga batikang boksingero at trai­ners ang tatanungin, mala­bong manalo ang 5’11 na si Margarito sa 5’6” na si Pacquiao sa tagisang gagawin ngayon sa Cowboy’s Stadium sa Arlington, Texas.

Sina dating junior lightweight champion Yuri Foreman, WBC welterweight champion at posibleng ma­kalaban pa ni Pacquiao na si Andre Berto, WBC at IBF jr welterweight champion Devon Alexander ang ilan sa mga tinitingala sa mun­do ng pro boxing na nasasabing mananalo si Pac­quiao gamit ang kanyang bilis.

“Pacquiao definitely has the advantage in speed but Margarito is going to apply tremendous pressure so it’s going to be a great fight. I think Pacquiao’s speed is eventually going to win out and he will come out with the victory,” wika ni Berto.

Maging si Joshua Clottey na tinalo nga ni Pacquiao sa nasabing venue noong Marso ay halos ga­ran­tiyahin na ang panalo ng Pambansang kamao.

“I can tell by the interviews that Margarito thinks Pacquiao doesn’t have the power because he is so small. But he does have the power,” banggit ni Clottey.

Dahil sa mga malarapidong suntok ni Pacquiao ay iindahin ito ni Margarito habang tumatagal ang laban at ito ang kanyang ikatatalo o ikatutumba.

Ang two-time BWAA Trai­ner of the Year na si Dan Birmingham din ay pabor kay Pacquiao at ang kanyang pinagbabasehan ay ang tila pangangapa ni Margarito kapag ang kalaban ay isang kaliwete na mabilis kung kumilos.

“His constant movement and work rate will be too much for Margarito. Mar­­garito is strong and well conditioned, good chin, but he has problems with mo­vers and quickness. My pick is Pac by stoppage by the ninth round,” wika nito.

Ang batikang trainer na si Freddie Roach ay kum­binsidung-kumbinsido na madaling laban ito kay Pacquiao at ang dating ini­hayag na KO win sa 8th o 9th round ay tinaasan pa nang sabihin nitong aayaw si Margarito sa laban.

“I think we will overwhelm him with the punches will land on him with his fast hands and combinations. Margarito throws a lot of punches and he ma­kes too many mistakes to beat us. He has bad habits and we’re going to take advantage of all of them,” pagtitiyak pa ni Roach.

Ang laban ay para sa bakanteng WBC junior mid­dleweight title na inilagay sa catch weight na 150-pounds.

ANDRE BERTO

ANTONIO MARGARITO

DAN BIRMINGHAM

DEVON ALEXANDER

FREDDIE ROACH

JOSHUA CLOTTEY

MARGARITO

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with