CHICAGO - Tumipa si Derrick Rose ng 18 points, tampok rito ang walo sa kanilang fourth quarter rally, para tulungan ang Chicago Bulls sa 94-92 paglusot sa Denver Nuggets.
Nagdagdag si Luol Deng ng 17 points para sa Bulls at 16 si Taj Gibson.
Kinuha ng Denver ang 80-74 sa ilalim ng huling pitong minuto sa laro kasunod ang pagpapakawala ng Chicago ng isang 16-6 run na pinangunahan ni Rose.
Ang basket ni Carmelo Anthony sa huling 15.3 se-conds ang nagdikit sa Nuggets sa 88-90.
Isang split ni Joakim Noah ang muling naglayo sa Bulls sa 91-88 kasundo ang freethrows ni Anthony para sa 90-91 agwat ng Denver sa natitirang 11 seconds.
Sa Orlando, Florida, umiskor si All-Star center Dwight Howard ng game-high 27 puntos at kanyang trinangkuhan ang Orlando Magic sa 93-89 pananaig laban sa Atlanta Hawks.