^

PSN Palaro

Mas malaking eroplano hiniling ni Pacman: Magdadala sa kanya at sa 187 iba pa sa Dallas ngayon

- Abac Cordero -

HOLLYWOOD--Ang ma­laking entourage ay na­ngangailangan ng mas malaking eroplano.

Humiling si Manny Pacquiao ng isang Boeing 757 na magdadala sa kanya at sa 187 iba pa, kasama ang kanyang mga team members, government officials, pamilya at mga kaibigan mula sa Los Angeles patu­ngong Dallas.

Aalis ang Team Pacquiao sa LA ng alas-4 nga-yong hapon (Martes, alas 7 ng umaga sa Mani­la).

Tatlong oras ang magi­ging biyahe ng delegasyon ng Team Pacquiao papunta sa Love Field sa Dallas kasunod ang pagdiretso sa Gaylord Texan Hotel, ang official hotel ng laban.

Nagplano na si Pacquiao na sumakay sa isang 12-seater private plane pa­­tungong Dallas ngunit nagbago ang isip.

Ang biglaang pagbabago ng desisyon ni Pacquiao ay lumikha ng kaguluhan sa hanay ng mga booking agents at iba pang gustong makasama sa bi­yahe na nagkakahalaga ng $100,000.

Ang Star Flight, sa ilalim ni Rob Lyons na siyang su­magot sa travel needs ng LA Lakers, Boston Celtics, Chicago Bulls at Denver Nug­gets, ang siyang napili ni Pacquiao.

Ito rin ang airline com­pan­y na nagdala kay Pacquiao at sa 139 iba pa mu­la sa Dallas para sa kan­yang laban kay Joshua Clottey noong Marso at nagserbisyo rin sa 1992 US Dream Team papunta sa Barcelona Olympics sa Spain.

Sinabi ni Pacquiao na halos 50 congressmen ang manonood sa kanyang laban sa Cowboys Stadium.

Ang asawa ni Pacquiao na si Jinkee at ang kanyang inang si Aling Dionisia ay makakasama niya sa biyahe katulad nina trai­ners Freddie Roach at Alex Ariza.

Ang Boeing 757, ma­aaring maglaman ng 186 hanggang 279 katao, ay gi­na­gamit ng Vice President ng United States at kilala bilang “Air Force Two”.

AIR FORCE TWO

ALEX ARIZA

ALING DIONISIA

ANG BOEING

ANG STAR FLIGHT

BARCELONA OLYMPICS

BOSTON CELTICS

PACQUIAO

SHY

TEAM PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with