So tumabla sa American GM, balik sa 2nd place sa SPICE chessfest
MANILA, Philippines - Tumabla si Filipino GM Wesley So kay US GM Eugene Perelshteyn upang manatili sa ikalawang puwesto sa idinadaos na 2010 SPICE Cup Chess Championship sa Texas Tech University sa Lubbock, Texas.
Umabot lamang sa 42 moves ng Queen’s Gambit Declined Exchange variation and labanan at nagkasundo ang dalawang GMs na magtabla matapos maiwan kay So ang isang rook, knight at tatlong pawns habang may isang rook, bishop at dalawang pawns si Perelshteyn.
Umangat sa 9 puntos ang nakolekta ni So upang manatiling nakabuntot sa mga nangungunang sina US GM Alexander Onsichuk at German GM George Meier na may 14 puntos papasok sa huling tatlong rounds.
Nagkaroon ng pagsasalo sa liderato nang manalo si Onischuk kay Meier sa 35 sulong ng Catalan.
Nagtabla naman sina top seed GM Zoltan Almasi ng Hungary at GM Ray Robson ng US para makatabla ni Almasi kay So sa ikatlong puwesto.
- Latest
- Trending