MANILA, Philippines - Siya na ang boksingerong may pinakamagandang depensa laban kay Manny Pacquiao.
Kaya naman alam ni Joshua Clottey ng Ghana ang kakayahan ni Pacquiao na basagin ang depensa ni Antonio Margarito ng Mexico.
“Margarito doesn’t have the best defense and can be hit,” obserbasyon ni Clottey kaugnay sa depensa ni Margarito mula sa panayam ng BoxingScene.com.
Pag-aagawan nina Pacquiao at Margarito ang bakanteng World Boxing Council (WBC) light middleweight title sa Nobyembre 13 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.
Sa kabila ng matibay na depensa ni Clottey, umiskor pa rin si Pacquiao ng isang unanimous decision win sa kanilang upakan para sa suot na World Boxing Organization (WBO) world welterweight crown ni “Pacman” noong Marso 13 sa Cowboys Stadium.
“When I fought Pacquiao, he was so fast. Like a blur. It’s very hard to catch him,” sabi ni Clottey.
Matapos ang naturang kabiguan kay Pacquiao ay hindi pa muling nakakaakyat ng boxing ring si Clottey.
“Joshua Clottey hasn’t gone anywhere. I plan on hopefully fighting a tune-up soon and then hopefully I can get another big fight soon,” ani Clottey. “I want to let all the fans know I am sorry for my last fight and I will put on a better performance in my next fight.”
Kabilang sa mga gustong makalaban ni Clottey ay sina Margarito at Puerto Rican Miguel Cotto, tumalo sa kanya via split decision noong Hunyo ng 2009.