^

PSN Palaro

So silat sa American GM

-

MANILA, Philippines - Di maganda ang pa­nan­daliang pamamahinga kay Filipino GM Wesley So nang matalo ito kay GM Ale­xander Onischuk ng US sa pagpapatuloy ng 2010 SPICE (Susan Polgar Institute for Chess Excellence) sa Texas Tech University sa Lubbock, Texas.

May rook at anim na pawns si So habang dala­wang bishop at limang pawns naman si Onischuk pero lamang sa puwesto ang US chess master upang mapilitang mag-re­sign ang17-anyos na Pi­noy player matapos ang 32 move ng Capablanca variation ng Nimzo-Indian defense.

Ang kabiguan ay nag­resulta upang malaglag si So sa pagkakatabla sa ikat­lo at ikaapat na puwesto kasama ang top sed na si GM Zoltan Almasi ng Hungary tangan ang walong putos sa dalawang panalo, dalawang tabla at dalawang talo.

Si GM George Meier ng Germany ay nanalo naman kay GM Ray Robson ng US upang lumayo pa sa pagkakatangan sa liderato sa anim na manlalaro, ca­tegory 16 na torneo.

CAPABLANCA

CHESS EXCELLENCE

GEORGE MEIER

ONISCHUK

RAY ROBSON

SHY

SUSAN POLGAR INSTITUTE

TEXAS TECH UNIVERSITY

WESLEY SO

ZOLTAN ALMASI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with