TNT sososyo sa liderato, 4 na dikit naman sa Kings
MANILA, Philippines - Sa itinalang average margin na 16.3 points sa kanilang ikatlong sunod na arangkada, inaasahan pa ni coach Jong Uichico na mas gaganda pa ang ilalaro ng kanyang mga Gin Kings.
“Hopefully, we’re getting there. These games are good signs,” wika ni Uichico.
Puntirya ang kanilang pang apat na dikit na arangkada, sasagupain ng Barangay Ginebra ang Air21 ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Talk ‘N Text at nagdedepensang Derby Ace sa alas-5 ng hapon sa elimination round ng PBA Philippine Cup kahapon sa Araneta Coliseum.
Huling biniktima ng Gin Kings ang Elasto Painters, 90-73, tampok ang 22 points, 5 assists at 4 rebounds ni two-time PBA Most Valuable Player Willie Miller
Kasalukuyang tangan ng San Miguel ang liderato mula sa kanilang 6-1 rekord sa itaas ng Talk ‘N Text (5-1), Ginebra (4-2), Alaska (3-3), Air21 (3-3), Powerade (3-4), Rain or Shine (3-4), Barako Bull (2-4), Meralco (2-5) at Derby Ace (1-5).
Umiskor naman ang Express ni Yeng Guiao ng malaking 102-95 tagumpay kontra Tigers noong Miyerkules.
“For a young team like ours 3-3 is not bad. I think we’ll get better. We’re pretty much where we thought we would be,” wika ni Guiao, nakahugot ng personal conference-high 28 points kay Ronjay Buenafe, 11 rito ay kanyang ginawa sa fourth quarter para sa pagbangon ng Air21 mula sa isang 14-point deficit sa third period.
Sa unang laro, pakay naman ng Tropang Texters na muling makasalo sa liderato ang Beermen sa pakikipagharap sa Llamados.
- Latest
- Trending