Patrombon wagi, Patrimonio nasibak na
MANILA, Philippines - Dumaan sa butas ng karayom ang second seed at Filipino junior netter na si Jeson Patrombon bago nito naigupo si Rishabdev Raman ng India, 6-4, 6-3, sa pagsisimula ng Seogwipo Asia-Oceania Closed Championships sa Jejudo, South Korea.
Matindi ang lamig dala ng malakas na pag-ihip ng hangin ngunit gumawa ng mga adjustments si Patrombon sa kanyang mga palo upang makuha ang mga mahahalagang puntos para manalo sa round of 64 match.
Sunod niyang kakaharapin si Hogi Kang ng Korean na pinatalsik si Shukhrat Gizatulin ng Uzbekistan, 6-0, 6-1.
Hindi naman pinalad ang number one manlalaro ng bansa sa kababaihan na si Anna Clarice Patrimonio nang matalo siya kay 16th seeds Kanami Tsuj ng Japan, 1-6, 4-6.
Sa pagkatalong ito, sa doubles na lamang magpo-focus si Patrimonio at katambal niya si Zhu Ai ng China na babangga kina Jeong Yeong Won at Kim Da Hye ng Korea.
Si Patrombon ay maglalaro rin sa doubles at katambal niya sa unang pagkakataon si Jaden Grinter ng New Zealand na susukatin ang husay ng gaya nilang unseeded na sina James Kong ng Hong Kong at Siyu Liu ng China.
- Latest
- Trending