So tumabla sa Hungarian champion

MANILA, Philippines - Nakabawi si Filipino GM Wesley So sa kabiguang ti­namo kay German GM Georg Meier nang makatabla nito ang top seed na si GM Zoltan Almasi ng Hungari sa fifth round ng 2010 SPICE (Susan Polgar Institute for Chess Excellence) Chess Championship sa Texas Tech University sa Lubbock, Tecas.

Mahusay na paggamit ng itim na piyesa ang nakita kay So upang maitabla ang laban matapos ang 105 sulong ng English opening.

Krusyal na move ang ginawa ng 17-anyos na si So nang nakipagpalitan ito ng queen sa 46th move at bago natapos ang labanan ay may natirang bishop at tatlong pawns si So laban sa isang rook at isang pawn ni Almasi. May ELO rating na 2707, sinikap ni Almasi na isalba ang posisyon pero tinanggap din ang alok na tabla ni So nang mapagnilay na mahirap na niyang ipanalo pa ang hawak na piyesa. 

Show comments