WTA championship title kinana ni Clijsters
DOHA, Qatar--Ginapi ni U.S. Open champion Kim Cljisters ang top-ranked na si Caroline Wozniacki, 6-3, 5-7, 6-3 upang ibulsa ang WTA Championship final nitong Linggo.
Ito ang ikatlong panalo sa season-ending tournament ng 27-anyos Belgian, na lumaro ng kanyang unang event mula ng mapagwagian ang kanyang ikatlong Grand Slam title sa Flushing Meadows noong Setyembre.
“It was a tough match,” ani Clijsters. “It is disappointing for Caroline but she has a great future ahead. I’m glad I won and it must be disappointing for Caroline, but I don’t know how many more years I’m going to keep doing this.”
Inagaw ng 20-anyos na si Wozniacki ang No. 1 ranking mula sa injured na si Serena Williams ngayong buwan, subalit hindi niya ito nagawang pangalagaan matapos na mabigo sa Doha at wala pa siyang nakopong Grand Slam title.
Maraming beses nang nagwagi si Wozniacki sa tournament ngayong taon, pero pagdating sa malalaking torneo ay hindi siya nakakalusot at sa katunayan ay taglay niya ang nakakadismayang career-record na 15-24 laban sa top 10 players na hindi pa niya natatalo kasama na rito sina Clijsters, Justine Henin, Venus o Serena Williams.
- Latest
- Trending