^

PSN Palaro

Rogan, Tanpoco sibak sa qualifying

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Walang manlalaro ng host Pilipinas ang umusad sa main draw buhat sa da­la­wang araw na qualifying round ICTSI ITF Women’s Circuit I na pormal na magsisimula ngayon sa Rizal Me­morial Tennis Center.

 Natalo sina Aileen Rogan at Maika Jae Tanpoco sa pagtatapos ng qualifying round kahapon.

Si Rogan ay yumukod Zhou Ya ng China 1-6, 5-7, habang Rogan ay lumasap ng 1-6, 3-6, laban kay Chae Kyung-yee.

Naunang namaalam si Marianne Hillary De Guzman kay Nimisha Mohan ng India, 6-1, 6-0.

Dahil sa pangyayari, na­iwan kina Christine Patri­monio, Marinel Rudas, Ma­rian Jade Capadocia at Ta­mitha Nguyen ang pag­wa­gayway ng watawat ng bansa sa main draw na hahataw ngayon.

Top seed sa torneo si Gally De Wael ng Belguim na ranked 510 sa mundo.

Ang iba pang biga­ting dayuhan ay sina Pia Souma­lainen ng Finland, Elodie Rogge-Dietrich ng France, Nungnadda Wannasuk, Varatchaya Wongteanchai, Nicha Lertpitaksinchai at Peangthan Pliphuech ng Thailand; Rushmi Chakravarthi ng Indonesia; Hae-Sung Kim, Na-Lee Han at Ji-Young Kim ng Korea; Lin Zhu at Chun-Yan He ng China; Ivana King at Chanelle Van Nguyen ng United States; Ofri Lankri ng Israel; Tomoko Dokei ng Japan at Katharina Negrin ng Austria.

Halagang $10,000 ang paglalabanan sa torneong ito na magkakaroon ng Week II sa susunod na ling­­go.

AILEEN ROGAN

CHAE KYUNG

CHANELLE VAN NGUYEN

CHRISTINE PATRI

CHUN-YAN HE

CIRCUIT I

ELODIE ROGGE-DIETRICH

GALLY DE WAEL

HAE-SUNG KIM

IVANA KING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with