SO silat sa German GM
MANILA, Philippines - Masama ang ipinakita ni GM Wesley So upang matalo kay GM Georg Meier ng Germany sa fourth round ng 2010 SPICE (Susan Polgar Institute for Chess Excellence) sa Texas Tech University sa Lubbock, Texas.
Labanan ito ng mga nangunguna sa torneo at ang resulta ay nagtulak kay Meier upang masolo ang liderato sa 8 puntos, o isang puntos na mas mataas kay So.
Puting piyesa ang hawak ni So pero hindi nito nabasag ang French defense na ginamit ng kalaban.
Sa kabuuan ng nga laro ay ipinalit ni So ang kanyang queen para sa dalawang rook pero nakaapekto ito sa pag-atake ng Filipino GU upang matalo matapos ang 61 moves.
Bago ang labanang ito ay magkasunod na tinalo ng 17-anyos na chess wizards sina US GM’s Eugene Perelshteyn at Ray Robinson sa ikalawa at ikatlong round. Ang 23-anyos na si Meier ay kampeon ng 2010 Inventi chess sa Antwerp, Belgium noong nakaraang buwan.
Ang format ng liga ay tatlong puntos ang ibinibigay sa mananalo, isang puntos sa table at wala sa talo.
Pahinga ang laro nitong Nov. 1 at magbabalik kinabukasan na kung saan kalaban ni So si GM Zoltan Almasi ng Hungary.
Tumabla si Almasi kay Onischuk sa fifth round at tiyak na mapapalaban si So dahil ang nasabing chess master ang top seed ng torneo sa kanyang nangungunang ELO 2707 bukod sa pagtangan ng puting piyesa.
“There’s no doubt on my mind that Wesley learned a lot from this loss to Meier and come out as a better player in his succeeding games,” wika ni NCFP president Prospero Pichay na sinusubaybayan ang kompetisyon sa pamamagitan ng internet.
“It will be interesting to see how he will fare against Almasi, especially with the disadvantageous black pieces,” dagdag pa nito.
- Latest
- Trending