^

PSN Palaro

39-pts. ni Rose gumiba sa Pistons

-

CHICAGO--Isinigaw ng mga fans ang “MVP! MVP!” o para kay Derrick Ro­se. At mukhang hindi ito ang huling pagkakataon na ma­­ririnig niya ito.

Dinuplika ni Rose ang kanyang career-high 39 points para tulungan ang Chicago Bulls sa 101-91 vic­­tory laban sa Detroit Pistons.

“I’m just taking the shots that they gave me,” wika ni Rose, nagtala ng 13-of-27 fieldgoals. “They’re giving me wide open shots. I’m going to take them. They’re giving me wide open lanes, I’m going to drive it. My team­mates gave me the con­fidence to do that.”

Bumangon ang Chicago mula sa isang 21-point deficit sa third quarter at naghahabol pa sa 73-86 sa unang tatlong mi­nuto sa fourth period nang maghulog ng isang 19-2 bomba kontra Detroit.

Humugot si Rose ng 8 points sa naturang ratsada ng Bulls. Nagdagdag si Joakim Noah ng 15 points at 17 rebounds para sa Chi­cago, habang may 11 naman si Taj Gibson.

Nag-ambag si James Johnson ng 8 points at 9 rebounds para sa Bulls ng bagong coach na si Tom Thibodeau.

Namayani sa first half para sa Pistons si dating Bulls star Ben Gordon mula sa kanyang 21 points.

Sa San Antonio, kuma­na si Chris Paul ng 25 pun­tos at tinalo ng New Orl­eans ang Spurs, 99-90 at manatiling natatanging koponan sa Southwest Division na wala pang nalalasap na talo.

Nagdagdag si David West ng 18 puntos para sa Hornets na binigyan ang first-year coach na si Monty Williams ng 3-0 panimula matapos na manalo sa kan­yang dating coach at mentor na si Gregg Popo­vich.

Tumapos si Tony Par­ker ng 13 puntos ilang oras matapos na lumagda ng apat na taong extensyon na nagkakahalaga ng $50 million, ngunit naging misrable ang Spurs sa pagsapit ng third period ng hindi na makapuntos.

Sa Milwaukee, sa unang pagkakataon, nag­pos­te si Brandon Jennings ng kanyang career triple-double sa pagpinta ng 20 puntos, 10 rebounds at 10 assists upang trangkuhan ang Bucks sa 98-88 paglusot sa Charlotte Bobcats.

Nag-ambag si Andrew Bogut ng 14 puntos, walong rebounds at apat na blocks para sa Bucks.

Sa Atlanta, isinal­pak ni Joe Johnson ang 14 mula sa kanyang 25 puntos sa final canto at imando ang Hawks sa 99-95 ta­gumpay laban sa Wa­shington Wizards.

Sa Houston, tumipa si Al Harrington ng 28 puntos at naglista si Carmelo An­thony ng 24 puntos upang tulungan ang Denver na idiskaril ang unang laro ng Houston sa kanilang balwarte sa pamamagitan ng 107-94 panalo.

Sa iba pang resulta, pi­nataob ng Portland Trail Blazers ang New York Knicks, 100-95; pinigilan ng Memphis Grizzlies ang Minnesota Timberwolves, 109-89; hiniya ng Sacramento Kings ang Cleveland Cavaliers, 107-104 at nanaig ang Indiana Pa­cers sa Philadelphia 76ers, 99-86.

AL HARRINGTON

ANDREW BOGUT

BEN GORDON

BRANDON JENNINGS

CARMELO AN

CHARLOTTE BOBCATS

CHICAGO BULLS

CHRIS PAUL

CLEVELAND CAVALIERS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with