KO punch ni Margarito handa na
MANILA, Philippines - Isang matinding kaliwa at pamatay na uppercut ang inihahanda na ni Antonio Margarito upang makumpleto ang planong knockout win kay Manny Pacquiao sa kanilang pagtutuos sa Nobyembre 13 sa Cowboy’s Stadium sa Arlington Texas.
Sa pangangasiwa ni trainer Roberto Garcia, pinaperpekto nila ni Margarito ang mga suntok na ito na ayon kay Garcia ay dati ng kasama sa arsenal ng 5’11 Mexican boxer.
“We’re working on lit-tle things to perfect on it. And its turning out to be a tremendous punch. A jab followed by an uppercut, hopefully that does it,” wika ni Garcia sa panayam ng 8-countnews.com.
Hindi ugali ni Garcia na hinawakan din ang career ng mga Filipino champions Brian Viloria at Nonito Donaire Jr., na magpalabas ng prediksyon pero sa laban nila ni Pacquiao ay wala siyang takot na ihahayag na mananalo ang kanyang alaga sa loob ng 11th round.
“I don’t normally make prediction but for this fight, I’m picking Margarito to win by knockout against Manny Pacquiao by the 11th round,” walang kagatul-gatol na sinabi nito.
Masaya siya dahil lahat ng ipinagagawa niya kay Margarito ay ginagawa nito pero ang mahalaga aniya ay ang pagiging komportable ng nasabing boksingero sa kabuuan ng kanilang training camp na isinasagawa sa Oxnard, California.
Nakipag-spar pa nga si Margarito ng 12 rounds sa apat na magkakaibang boksingero at patuloy pa rin ang pagpapakita nito ng lakas at bilis at tila hindi napapagod sa mahabang pagsasanay.
Plano na ni Garcia ang unti-unting pagbaba sa lebel ng pagsasanay ni Margarito upang matiyak na pagpasok sa gabi ng labanan ay naroroon pa rin ang lakas at resistensya dahil plano nilang dikitan si Pacquiao mula sa pagtunog ng opening bell hanggang sa marinig nila ang hudyat ng pagtatapos ng laban.
- Latest
- Trending