Hobe 'di umubra sa Star
MANILA, Philippines - Gumawa ng malaking sorpresa ang Star Group of Publications makaraang tagpasin ang pananalasa ng dating walang talong Hobe Bihon, 89-79 at palakasin ang kanilang kampanya para sa inaasam na outright semis berth sa 2010 MBL-Invitational basketball championship sa RTU gym sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.
Nagsanib ng puwersa sina Jong Bondoc, Virgilio Roque, Dennis Rodriguez at Lester Reyes upang ibigay sa Rene Recto-mentored Starmen ang matinding opensiba na siyang pumigil sa ilang ulit na tangkang pag-atake ng Hobe Bihon sa nine-team tournament na inorganisa ng Millennium Basketball League at suportado ng Smarts Communicaitons, Dickies Underwear at PRC Courier Services.
Kumana si Bondoc ng 19 puntos sa kabila ng malagkit na depensang inilatag sa kanya ng Hobe upang banderahan ang Starmen na isinara ang kanilang kampanya sa elimination round na taglay ang 5-3, win-loss slate sa likod ng Hobe (5-1) at defending champion Wang’s Ballclub (5-2).
Nagdagdag naman sina Roque, Rodriguez at Reyes ng 17, 16 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod sa larong pinanood mismo ng Star owner na si Miguel Belmonte at team manager Mike Maneze.
Nauna rito, nagpalakas rin ang Manuel Luis Quezon University nang kanilang pabagsakin ang EJM Pawnshop, 99-93.
Star Group 89--Bondoc 19, Roque 17, Rodriguez 16, Reyes 15, Coquilla 8, Corbin 4, Ortega 4, Reducto 4, Dimas 2, Geocada 0, Bartolome 0, Martinez 0.
Hobe Bihon 79-- Moody 22 , Sanders 17, Junio 10, Lim 10, Santiago 8, Dela Cuesta 6, Marquez 4, David 2, Cunanan 0.
Quarterscores 25-23, 51-39, 76-59, 89-79.
Second game
MLQU (99) -- Rivera 17, Custodio 16, Manalansan 14 D.Uduba 12, Urbano 12, Vitug 11, Sumayang 7, manalili 6, Lustestica 3, Dizon 1, J.Uduba 0, Mendoza 0.
EJM Pawnshop (93) -- Florino 25, Escosio 22, Marcos 17, Baguino 16, Cacha 6, Bibe 2, Sta Maria 2, Zablan 2, Lima 1, Morillo 0.
Quarterscores 20-26, 41-45, 65-74, 99-93.
- Latest
- Trending