SALT LAKE City -- Pumitas sina Hakim Warrick at Steve Nash ng tig-18 puntos upang tulungan ang Phoenix Suns na igupo ang Utah Jazz, 110-94 nitong Huwebes sa NBA.
Lumamang ang Suns ng hanggang 18-puntos laban sa Jazz team na lumarong may higit na intensidad kumpara sa kanilang 22-point season-opening loss sa Denver nitong Miyerkules.
Ngunit sa dakong huli, hindi pa rin nagpapapasok ang tira ng Jazz.
Ang Utah ay may 33.3 percent shooting lamang sa first quarter at 42.9 percent sa buong game, may 3-for-13 sa 3-pointers habang ang Suns ay may 10-triples.
Sa Orlando, Florida - kumana si Dwight Howard ng 23 points at 10 rebounds upang imando ang Orlando Magic sa magaang na 112-83 panalo laban sa Washington Wizards para sa engrandeng opening ng pinakabagong arena ng NBA.
Nagposte naman si Vince Carter ng 18 points at umiskor si Jameer Nelson ng 16 para sa Magic.