^

PSN Palaro

Pinas kampeon sa SEABA

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi nawala ang tikas ng paglalaro ng RP wo­men’s team sa one ga­me fi­nals para makopo ang 7th SEABA Women Champion­ship title sa pamamagitan ng 76-54 dominasyon sa dating kampeon Thailand kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Kumulekta uli ang host team ng 11 tres sa kabu­uang ng laro pero ang tu­nay na nagtrangko sa pa­nalo ay ang kanilang de­pensa ng malimitahan la­mang ang Thais sa tig-si­yam na puntos sa ikatlo at ikaapat na yugto upang tuluyang maiwanan ang mga ito.

Si Joan Grajales at Diana Jose na parehong star­ter ng koponan ay nag­tapos taglay ang 14 at 12 puntos at nagsanib sa anim na tres habang sina Chovi Borja, Merenciana Arayi, Angeli Gloriani, Anna Pineda at Melissa Jacob ay may tig-isa upang mawalang saysay ng host team ang laki sa gitna ng kalabang ko­ponan.

Ito ang kauna-una­hang kampeonato sa kababaihan sa Southeast Asia ng Pilipinas at ang pa­nalo ay pambawi rin ng koponan buhat sa tinamong kabiguan sa finals ng 2007 edisyon na ginawa sa Phuket, Thailand.

“Ipinakita nila na deter­minado silang maging kam­peon sa final game na ito. Maganda ang shooting namin pero mas matibay ang depensa namin lalo na sa second half kaya na­domina namin ang ilalim,” ani coach Haydee Ong.

May 21 puntos si Suksomwong pero 18 rito ay ginawa niya sa first half na kung saan nakadikit pa ang Thailand sa 36-37 iskor.

Nahirapan ang Thais na naglaro ng 10 players la­mang matapos matapilok ang sentro na si Naruemol Banmoo sa unang minuto ng ikatlong yugto.

Tumapos pa rin ito tag­lay ang 15 puntos pero hin­di na siya gaanong nakadepensa dahilan upang makaiskor ng lay-ups sa huling yugto ang pambansang koponan.

Kontrolado ng Pilipinas ang lahat ng departamento kasama nga ang 41-30 bentahe sa rebounding tungo sa 24-12 angat sa inside points. May 17 assists din ang Pilipinas laban sa 12 ng kalaban at si Grajales nga ay may anim.

Ang pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Manuel V. Pangi­linan kasama si Philippine Sports Commission chairman Ricardo Garcia ang siyang nag-abot ng mga tropeo sa nagkampeon.

Pumangatlo naman ang Malaysia nang kani­lang ilampaso ang Indonesia, 91-61, sa unang laba­nan.

ANGELI GLORIANI

ANNA PINEDA

CHOVI BORJA

DIANA JOSE

HAYDEE ONG

MELISSA JACOB

MERENCIANA ARAYI

NARUEMOL BANMOO

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with