^

PSN Palaro

Express ipinagpag ng Energy Boosters

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagpigil sa kanilang two-game losing skid, winakasan naman ng Energy Boosters ang dalawang sunod na ratsada ng Express.

Nagtayo ng isang 24-point lead sa third period, giniba ng Barako Bull ang Air21, 89-79, tampok ang conference-high 23 points at 7 rebounds ni Mark Isip, sa elimination round ng 2010-2011 PBA Philippine Cup kahapon sa Big Dome.

Nagtabla sa 2-3 rekord ang Barako Bull at Air21 ka­sama ang Meralco, Po­werade at Rain or Shine sa ilalim ng San Miguel (4-1), Talk N Text (4-1), Ba­rangay Ginebra (3-2) at Alaska (3-2) kasunod ang nagdedepensang Derby Ace (1-4).

Matapos kunin ang first half, 46-33, pinalobo ng Energy Boosters sa 24 puntos, 61-37, ang kani­lang lamang bago nakadikit ang Express sa dulo ng final canto.

Nagdagdag sina Sunday Salvacion at Aries Dimaunahan ng 15 at 13 points, ayon sa pagkakasu­nod, para sa Barako Bull, habang may 14 naman si Ronjay Buenafe para sa Air21 kasunod ang 13 ni Carlo Sharma at 10 ni Josh Urbiztondo.  

Samantala, magtatagpo naman ang Beermen at ang Llamados ngayong alas-4:50 ng hapon kasunod ang salpukan ng Bolts at Tigers sa alas-7:30 ng gabi sa Big Dome.

.

vuukle comment

ARIES DIMAUNAHAN

BARAKO BULL

BIG DOME

CARLO SHARMA

DERBY ACE

ENERGY BOOSTERS

JOSH URBIZTONDO

MARK ISIP

PHILIPPINE CUP

RONJAY BUENAFE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with