^

PSN Palaro

Thais sinorpresa ng RP sa SEABA

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Pinatatag pa ng Pilipinas ang hangaring kauna-una­hang titulo sa SEABA Women Championship nang pataubin nila ang nag­dedepensang Thailand, 83-57, sa pagtatapos ng eliminasyon sa ikapitong edisyon na nilaro kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Nagbabagang opensa na sinahugan pa ng matibay na depensa ang puhu­nan ng national women’s team upang hiyain ang Thais at magkaroon ng mas magandang kumpiyan­sa papasok sa one game finals ngayon.

Tinapos ng Pilipinas ang eliminasyon taglay ang 4-0 karta at naniniwala si coach Haydee Ong na may mailalabas pa ang kan­yang alipores sa maha­lagang tunggalian nila ng Thais na itinakda ganap na alas-4 ng hapon.

Ang sentro ng Thailand na si Naruemol Banmoo ay mayroong 21 puntos pero hindi umubra ang pu­wersa nito sa ilalim sa outside shots ng Perlas ng Pilipinas.

 Ang mga off the bench players na sina Sylvia Valencia at Angelie Gloriani ay gumawa ng tig-tatlong tres upang katampukan ang 11 of 14 shooting sa 3-point area.

Sa first half lamang na­ging mahigpitan ang la­banan na kinakitaan ng 9 na tabla at 16 na palitan ng la­mang.

 Ang dalawang buslo sa free throws ni Eiamsum-Ang ang nagbigay sa Thais ng 30-28 kalamangan pero pinakawalan ni Valencia ang unang dalawang tres para katampukan ang 15-6 palitan upang makuha na ng bansa ang 43-36 kalamangan sa halftime.

Mula rito ay hindi na nakabawi pa ang Thailand na hindi na nga nakapuntos sa huling apat na minuto ng sagupaan dala ng matibay na depensa ng Pinas.

 Tinalo naman ng Malaysia ang Singapore, 85-57, sa unang laro upang ta­pusin ang kampanya sa 2-2 karta at makuha ang karapatan na labanan ang Indonesia na may 1-3 ba­raha sa yugtong ito.

vuukle comment

ANGELIE GLORIANI

EIAMSUM-ANG

HAYDEE

MULA

NARUEMOL BANMOO

NINOY AQUINO STADIUM

PILIPINAS

SHY

SYLVIA VALENCIA

WOMEN CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with