^

PSN Palaro

Ginebra itatagay ang 3rd win vs Rain or Shine

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Maliban sa mga Beermen, ang Gin Kings ang ika­lawang tropang nasa win­ning streak ngayon.

Matapos mabigo sa San Miguel, 68-69, noong Oktubre 17, dalawang su­nod na panalo ang itinala ng Barangay Ginebra kontra Barako Bull, 93-74, at nagdedepensang Derby Ace, 93-82.

Hangad ang kanilang pangatlong dikit na ratsada, sasagupain ng Gin Kings ang Rain or Shine Elasto Painters ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang labanan ng Energy Boos­ters at Air21 Express sa alas-5 ng hapon sa eli­mination round ng 2010-2011 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum

Kasalukuyang magka­salo sa liderato ang San Mi­guel at Talk ‘N Text, mu­la sa magkatulad nilang 4-1 rekord kasunod ang Alas­ka (3-2), Barangay Gi­nebra (3-2), Air21 (2-2), Rain or Shine (2-3), Meralco (2-3), Powerade (2-4), Barako Bull (1-3) at Derby Ace (1-3).

Kumpara sa Gin Kings, nagmula naman sa kabi­guan ang Elasto Painters ma­tapos matalo sa Bolts, 79-87, noong Oktubre 24.

“We’re getting better. We just have to have a good start and be able to sustain the flow of the ga­me up to the end, sabi ni Ginebra coach Jong Uichico.

Muling ibabandera ng Gin Kings sina Jayjay Helterbrand, Mark Caguioa, Eric Menk, Ronald Tubid, Rudy Hatfield at JC Intal ka­tapat sina Gabe Norwood, Sol Mercado, Jay-R Reyes, Ryan Araña at TY Tang ng Elasto Painters.

Nanggaling naman ang Air21 sa malaking 86-83 pag­gitla sa Alaska noong Oktubre 22, habang nakatikim ang Barako Bull ng isang 74-93 kabiguan sa Ginebra.

ARANETA COLISEUM

BARAKO BULL

BARANGAY GI

BARANGAY GINEBRA

DERBY ACE

ELASTO PAINTERS

ENERGY BOOS

GIN KINGS

OKTUBRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with